Isang Punongkahoy
ni:Jose Corazon De Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako'y tila isang
nakadipang kurus,
sa napakatagal na
pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang
paa ng Diyos.
Organong sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa
kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan. . .
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo't magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay
nangakasabit
ang pugad ng mga ibon
ng pag-ibig.
Sa kinikislap-kislap
ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng
luhang nunukal;
at saka ang buwang
tila nagdarasal,
ako'y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa
tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa
akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko'y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko'y may
luha nang daloy.

No comments:
Post a Comment