Isang Tauhan, Dalawang Katauhan
ni Jessa Mae Mandawe
Tao Laban Sa Lipunan
Sa bayan ng Sta.Rosa nakatira ang isang dalaga na si Mariel. Siya ay maganda, mahinhin at mabait na dalaga. Itinuring siyang Maria Clara sa kanilang lugar dahil sa kanyang kasuotang pormal at ugali na iba sa ibang kababaihan sa kanilang lugar. Mahirap lamang sina Mariel kaya dahil doon napagpasyahan niyang mangibang bansa upang doon makipagsapalaran. Sa pagpunta niya doon nakilala niya si Francis,ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso. Doon sila nagpakasal at bumuo ng pamilya. Nabuntis si Mariel at sobrang saya ni Francis dahil sa magandang balita na nalaman.
Lumipas ang siyam na buwan,nanganak na si Mariel at di nila inaasahan na Kambal pala ito. Kaya labis ang pangangamba ni Francis dahil alam niya ang batas sa bansang ito, "One Child Policy". Sinabi niya kay Mariel ang tungkol dito at labis ang takot ni Mariel para sa kanyang mga anak.
Lumipas ang mga taon lumaki na ang magkapatid,ang kanilang mga pangalan ay Trexie at Treshia. Sa tuwing papasok sila sa paaralan ay papalit-palit silang dalawa.Hindi naman sila pagdududahan sapagkat hawig sila ng mukha. Nang inihatid ng kanilang ama si Treshia, sumunod pala si Trexie sa kanila. Habang naglalakad sila papuntang paaralan nakatagpo nila sa daan ang mga sundalo na nagsusuri sa mga bata. Kaya nakita siya ng mga ito pati ang kanilang ama at si Treshia. Dahil sa nangyari ay dinala sina Treshia at Trexie sa hukuman kasama ang kanilang ama. Paparasuhan sila ng kamatayan pero nag makaawa si Francis. Napagdesisyunan ng hukuman na ang patayin ay si Trexie pero nagmakaawa ulit si Francis na siya at pakawalan si Trexie pero wala siyang magagawa dahil ang batas ay batas.Puno ng paghihinagpis ang bumalot sa kanilang pamilya. Napakalaking dagok ang nangyari kay Trexie at labis na kalungkotan at sakit ang kanilang nararamdaman. Kaya napagdesisyunan ng mag asawa na umuwi na lang ng Pilipinas at doon na lang manirahan. Dahil sa Pilipinas ay malaya ang magkapamilya kung ilan ang kanilang anak. Labis na pagsisisi ang nararamdaman ng mag asawa, na sana nalaman nila ng maaga na kambal ang kanilang anak at umuwi sila ng Pilipinas. Sa kabila ng lahat ng nangyayari , nagpapasalamat parin sila dahil may aisa pa silang anak na natira. Mas minahal nila at inaalagaan si Treshia, nawala man si Trexie ngunit mananatili ito sa kanilang puso at isipan.
Wakas
Back to Home Page:Proyekto sa Filipino Home Page

No comments:
Post a Comment