Table Of Contents

Minahan, Kabuhayan, Kamatayan


                 Minahan,Kabuhayan,Kamatayan
                          ni Jeffrey A.Luzon
Tao Laban Sa Kalikasan

Sa bayan ng Bahay ng Pusa, may magkapatid na nagngangalang Reu at Jan.Ang magkapatid na ito ay ang tanging inaasahan ng kanilang pamilya ng pumanaw ang kanilang ama. Pumanaw ito ng matabunan ng mga bato at buhangin sa tinatrabahoang minahan. Ang minahan na iyon ay ang tanging pinagkukunan ng ikabubuhay ng kanilang pamilya. Dahil sa trahedyang iyon, pumanaw ang ama nila, binilin ito sa magkapatid na Reu at Jan. Si Reu ang mas matanda sa dalawa kaya siya ang pinagkakatiwalaan na mamuno sa minahan habang ang nakababatang kapatid na si Jan ay ang kaliwang kamay nito.

Isang gabi nang tumungo si Jan sa kanilang minahan para bumisita ito para kamustahin ang nagtatrabaho doon bigla siyang nagulat ng pagdating niya doon maraming mga trabahante ang nagkagulo dahil may parte ng minahan nila na gumuho at may mga trabahante ang natabunan nito. Gumuho ito ng dahil sa malakas na ulan na matagal-tagal ding hindi huminto.Laking gulat ni Jan ng lumapit si Kulot isa sa mga trabahante nila at biglang sinabi na isa sa natabunan ng pagkaguho ay ang nakakatandang kapatid na si Reu.Si Jan ay nagulat at biglang nahimatay, dali-daling tinulungan ng mga trabahante si Jan.Nahimatay pala si Jan dahil siya ay medyo bakla.

Pagkalipas ng ilang oras pinahukay na ni Jan ang gumuhong lupa dahil andon daw ang kapatid niya. At pagkalipas ng ilang oras hindi nagkamali ang trabahante na nagsabi na andon si Reu. Iyak ng iyak si Jan ng makita niya ang patay na katawan ni Reu, wala nang magawa si Jan dahil huli na ang lahat dahil kagabi pa pala gumuho at natabunan si Reu. Natabunan ito nung gabing iyon, nang lumabas ng bahay si Reu malakas ang ulan ng lumabas at pumunta siya sa kanilang minahan para tumulong doon. Hindi niya namalayan ng tumulong na siya, nang biglang gumuho ang lupa, kaya siya ay natabunan.

          Dahil sa pangyayaring iyon, si Jan na ang naging boss ng minahan. Dahil sa mga nakaraang pangyayari takot na si Jan na bumisita sa kanilang minahan dahil ayaw nyang matulad sa nangyari sa kanyang kapatid.

Wakas



DSC_0420

No comments:

Post a Comment