Table Of Contents

Nagmahal, Nasaktan, Namatay


                NAGMAHAL, NASAKTAN, NAMATAY
                        ni Mark Leo Butil

 Tao Laban Sa Tao

Sa kasalukuyang panahon may nagngangalang Pedro Makaburot Jr. Na may edad na 25 taong gulang. Ngunit ito ay binata parin dahil sa kawalan ng trabaho, walang sinumang babae ang nagkakagusto sa kanya.

Habang siya ay naglalaro ng basketball sa gilid ng paaralan may nakita siyang babae na naglalakad, ito ay isang estudyante at nagngangalang Minga Ewad. Dali dali nya itong sinundan hanggang sa makarating sa bahay nila ni Minga. Nagdaan ang mga araw paulit ulit na niya itong sinundan. Hanggang sa napansin na ni Minga na para bang may palaging sumunod sa kanya. At yun pala ay si Pedro. Napahinto si Minga at tinanong si Pedro kung bakit siya palaging sunud ng sunud . Dahil sa walang maiisip na sagot si  Pedro ay nakapagbitaw siya ng mga salita tungkol sa panliligaw . Ngunit sinagot siya ni Minga na "Hindi tayo bagay, tingnan mo muna sarili, stambay ka lang ,wala kang trabaho, wala kang kwenta hindi mo ako mabubuhay kung tayo ang magkakatuloyan, at isa pa hindi kita type kaya please ..Wag mo na akong sundan."

Dahil sa araw na iyon labis na nasaktan si Pedro, hindi na nakita ni Minga si Pedro. Hanggang isang araw may balitang dumating sa kanya na si Pedro ay napatay dahil sa paggamit ng bawal na gamot. Pumasok pala si Pedro sa sindikato para lamang makapag ipon nang sa ganun ay mapasagot na niya si Minga ngunit siya ay napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis, walang nagawa si Minga kundi umiiyak nalang siya at sinisi nya ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Pedro.

Wakas



DSC_0442

No comments:

Post a Comment