Table Of Contents

Pag-ibig Sa Unang Tingin


Pag-ibig Sa Unang Tingin
  ni Marvin C. Horfelia
 Tao laban sa Tao

Isang araw, may nasilayan akong babae ma minsan ko lang nakita sa aking buhay , simple , maganda at kaakit-akit sa paningin. Totoo ngaba talaga ang kasabihang "LOVE AT FIRST SIGHT"?.  Kasi una ko palang siyang nakita nabihag at nahulog kaagad ang puso ko. Ang buhay nga talaga ay walang imposible dahil dadarating at dadarating ang tamang tao para sa iyo. At yun kaagad, ang pumasok sa isipan ko. 

Isang araw lumabas muna ako sa bahay, para magpahangin at hindi ko namalayan ang babaeng kapitbahay ko, ay nasa labas rin at bigla akong napatago. Dahil sa aking pagkamahiyain, hanggang tingin nalang ako sa kanya, pero walang minuto at segundo na aking pinalipas.

Dumating ang araw ng pasukan, excited akong pumasok. Pagpasok ko palang sa paaralan, ang babaeng kapitbahay ko kaagad ang nakita sa aking paningin kaya kapag araw ng pasukan, ganadong-ganado akong pumasok. Nang dahil sa kanya, nagkaroon ako ng mga medalya, ngutnit dumating ang araw na pinakakasaklap na aking naranasan sa aking buhay nang magtapat ako sa kanya ngunit siya ay walang gusto sa akin kaya napagtanto kong wala talagang forever.
 
Lumipas ang isang taon,siya ay aking muling nakita dahil ang araw na yon ay enrollment. At dahil don, kami ay naging magkaibigan muli. Hindi ko namalayan na napamahal ako sa kanya. Kaya ngayon siya ay naging girlfriend kona. Totoo nga talagang ang kasabihang " WALANG MATIGAS NA TINAPAY,SA MAINIT NA KAPE". Kahit na maraming mga problemang nararanasan namin patuloy paring matibay ang aming pag iibigan. Nag-aaral at nag aasam na makapagtapos ng kolehiyo sa tamang panahon.

Wakas

Back to Home Page:Proyekto sa Filipino Home Page


DSC_0437

No comments:

Post a Comment