Table Of Contents

John Philip 2nd Tula

PAG-IBIG
ni:Teodoro Gener

Umiibig ako at ang inibig
Ay hindi dilag na kaakit-akit
Pagkat kung talagang gandalang ang nais
Hindi ba nariyan ang nanungong langit?

Lumiliyag ako at ang nililiyag 
Ay hindi ang yamang pagkariliag-rilag
Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad
Di ba't masisisid ang pusod ng dagat?

Umiibig ako at sumisintang tunay
Di sa ganda't sa gintong niyaman
Akoy umiibig sapagkat may buhay
Na di nagtitikim ng kaligayahan.

Ang kaligayahan ay wala sa langit 
Wala rin sa dagat ng hiwang tubig
Ang kaligayahan nasa iyong dibdib
Na inaawitan ng aking pag ibig.

Line Break and Enjambment: Olaivar Line Break and Enjambment


DSC_0435


No comments:

Post a Comment