Table Of Contents

Friday, 2 March 2018

Emard Ocio

Mahal na Kita
ni Emard Ocio


Mga katagang nais kong iyong marinig
Mga salitang talagang nakakaantig
Na balang araw ito'y aking masabi
Sapagkat ika'y labis kung minimithi

Talagang ako'y nagseselos sa kanya
Dahil ikaw ay napapasakanya
At bakit nga ba ko nagpapakatanga?
Simple lang, ito'y dahil mahal na kita

Pasensya pag minsa'y nakakairita
Di ko kasi mapigil na mahalin ka
Kaya gusto ko na sana'y malaman mo
Na ako'y higit na nagmamahal sayo

Ikalawang Tula:Ocio Ikalawang Tula


DSC_0432

No comments:

Post a Comment