KAKAYAHAN
ni Rona Mae Orcullo
Gawat
Ang kakayahan ay bigay ng Maykapal,
Regalong akma para sa
tamang asal.
'Di mananakaw nang salbahing kriminal,
Sapagkat sa sarili
ito'y natural.
Kakayahang taglay ay walang hanganan,
Tulad ng tinitingalang kalawakan.
Hanggat ang trabaho ay kayang gampanan,
Makakamit ang mithii't kaunlaran.
Imbis na Ito ay itago't
kimkimin,
Kakayaha'y lakas na dapat linangin.
Kaya gawain ay lalong
pagbutihin,
Para pangarap ay kaya mong abutin.

No comments:
Post a Comment