Table Of Contents

Friday, 2 March 2018

Rona Mae Gawat

KAKAYAHAN
ni Rona Mae Orcullo Gawat

Ang kakayahan ay bigay ng Maykapal,
Regalong akma para sa tamang asal.
'Di mananakaw nang salbahing kriminal,
Sapagkat sa sarili ito'y natural.

Kakayahang taglay ay walang hanganan,
Tulad ng tinitingalang kalawakan.
Hanggat ang trabaho ay kayang gampanan,
Makakamit ang mithii't kaunlaran.

Imbis na Ito ay itago't kimkimin,
Kakayaha'y lakas na dapat linangin.
Kaya gawain ay lalong pagbutihin,
Para pangarap ay kaya mong abutin.


Ikalawang Tula:Rona Mae Ikalawang Tula


DSC_0452

Jessa Mae Mandawe

BOLERO
ni:Jessa Mae Mandawe

Isang araw muntik ng magpakatanga
Sa isang lalaking mahilig mambola
Kanyang mga salita'y pafall at paasa
'Yun bang tipong mahuhulog ka talaga

Kakaiba ang turing sa'yo at sa'kin
May halong kilig salitang babanggitin
Pero iyon nga lahat ay di totoo
'Pagkat siya ay sinungaling at bolero
 
Kaya ngayon damdamin ay natauhan
Ganyang klaseng tao kailangang iwasan
Mga gawi nila'y dapat ng wakasan
Dahil marami ng pusong nasasaktan

Ikalawang Tula:Jessa Mae Ikalawang Tula


 DSC_0456

Mark Leo Butil


PAG -AARAL
ni: Mark Leo Butil

Minsan ay napatanong sa`king sarili
Pag aaral nga ba ay nakabubuti?
Sa`king sarili at kapwa estudyante
SA mga magulang at taong mabubuti

Paghihirap ang dulot ng pag aaral
Lalo na sa mga magulang,mundo ay pasan
Sa`king isipan ay nakakapagpalito
Bakit pag aaral ay pinapauso?

Ngunit ngayon nalaman,napagtantuhan
Pag aaral pala ay kinakailangan
Upang kinabukasay matagumpayan
Sa`king buhay ito`y nakapagpagaan

Ikalawang Tula:Mark Leo Ikalawang Tula


DSC_0442

Reu John Damalerio


Crush Ko Parin
 ni: Reu John Damalerio

Ika`y mamahalin
Kahit Na sino pa ang iyong pipiliin
Dahil ang gusto gusto kulang ako`y iyong mamahalin
Gusto kulang ay bigyan mo nang pansin

Oh, hanggang pangarap nalang ako
Oh, dahil walang pag asang maging tayo
Oh, masakit mang isipin
Oh, ika'y crush ko parin

Mahirap maging tanga
Lagi kanalang pinapaasa
Okey lang dapat masanay kana
Dahil ang crush mo ay napakaganda


Ikalawang Tula:Reu John Ikalawang Tula


DSC_0443

Emard Ocio

Mahal na Kita
ni Emard Ocio


Mga katagang nais kong iyong marinig
Mga salitang talagang nakakaantig
Na balang araw ito'y aking masabi
Sapagkat ika'y labis kung minimithi

Talagang ako'y nagseselos sa kanya
Dahil ikaw ay napapasakanya
At bakit nga ba ko nagpapakatanga?
Simple lang, ito'y dahil mahal na kita

Pasensya pag minsa'y nakakairita
Di ko kasi mapigil na mahalin ka
Kaya gusto ko na sana'y malaman mo
Na ako'y higit na nagmamahal sayo

Ikalawang Tula:Ocio Ikalawang Tula


DSC_0432

Marvin Horfelia

Mahal Kong Ama
By:Marvin Horfelia

Noong una pa lang kaming 'yong nakita
Labis-labis ang saya sa iyong mukha
Gagawin lahat-lahat, upang ang buhay
 Ay maging masarap't matiwasay.

Nang kami'y nagka-isip at malaki na
Kailangan trabaho ay igihan pa
Upang makamtan ang pangangailangan
at makapag-aral sa paaralan

Salamat sa Panginoong Diyos Amahan
Sa aming Amang labis ang kabutihan
Hayaan mong ikaw ay aming suklian
Pagmamahal naming ika'y walang hanggan.

Ikalawang Tula:Marvin Ikalawang Tula


DSC_0437

John Philip Olaivar

TAYO
ni: John Philip Olaivar

Ikaw at ako ang masaya na tayo
Nagmamahalan ng tunay at totoo
May away man pero walang hiwalayan
Tayong dalawa'y nagmamahalan

Pag ika'y kasama labis ang ligaya
Puso'y tumatalon sa tuwa't saya
Isa kang yaman na dapat alagaan
Ikaw ang biyaya na dapat ingatan

Hiling ko lang sana saki'y di magsawa
Gusto kitang kasama hanggang sa pagtanda
Ika'y iingatan at mamahalin ko
Hanggang sa dulo mananatiling tayo.

Ikalawang Tula:John Philip Ikalawang Tula


DSC_0435

Jeffrey Luzon

Umiibig Tapos Iniwan
ni: Jeffrey A. Luzon

Saksi ang kalawakan ng ako'y iwan
Iniwan man lang, na walang kasalanan
Bumagsak ang ulan nung ako'y luhaan
Dahil ang puso ko'y iyong sinaktan

Sa mundo ng katangahan, nasilayan
Sakit sa dibdib na aking naranasan
Puso'y nabiyak sa maling kapalaran
Kaya ang puso ko ngayon ay duguan

Paglipas ng buwan ako'y natauhan
Natauhan nasa iyong kasalanan
Ayoko nang ibalik ang nakaraan
Sapagkat puso ko'y labis na nasaktan

Ikalawang Tula: Jeffrey Ikalawang Tula


DSC_0420