Mahal na Kita
ni Emard Ocio
Mga katagang nais kong iyong marinig
Mga salitang talagang nakakaantig
Na balang araw ito'y
aking masabi
Sapagkat ika'y labis
kung minimithi
Talagang ako'y nagseselos sa kanya
Dahil ikaw ay
napapasakanya
At bakit nga ba ko nagpapakatanga?
Simple lang, ito'y
dahil mahal na kita
Pasensya pag minsa'y
nakakairita
Di ko kasi mapigil
na mahalin ka
Kaya gusto ko na sana'y
malaman mo
Na ako'y higit na
nagmamahal sayo

No comments:
Post a Comment