Pag-ibig Ng Dalawang Magkaibang Lahi

Pag-ibig Ng Dalawang Magkaibang Lahi
ni Emard Ocio

Tao Laban Sa Tadhana

Sa bayan ng Kroniko may mag asawang bampira na nagngangalang Cecelia at Vladimir may isa silang anak na nagngangalang Xerces. Si Xerces ang pinakamagaling at pinakamalakas na mandirigma sa lahi ng mga bampira. May nobya si Xerces na nagngangalang Lezel na anak ng hari ng mga lobo. Hindi alam ng mga magulang ni Xerces na may nobya ang kanilang anak na minsay anak din ng mortal nilang kalaban.

Sakabila ng kanilang pagmamahalan pilit nila itong tinatago dahil alam nilang magagalit ang kanilang mga magulang dahil sila ay mag kalaban. Isang araw nagkalaban ang mga lobo at bampira maraming namatay sa mga kasamahan ni Lezel at halos lahat ng mga lobo ay maubos na. Dumating ang oras na nagkaharap ang magkasintahan sa labanan ayaw ni Xerces na masaktan si Lezel dahil labis nya itong mahal. Walang magawa si Xerces kundi magpatalo sa kasintahan kaya sinabihan ni Xerces si Lezel na mag tanan sila at iwasan ang patayan napagtanto naman ni Lezel na tama ang nobyo kaya lumayas sila at namuhay ng tahimik at matiwasay.

Wakas



DSC_0432

No comments:

Post a Comment

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan Miyembro : Jeffrey Luzon bilang Coco Nut Jessa Mae Mandawe bilang Vanille Lah Rona Mae Gawat...