Wednesday, 7 March 2018

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan

Miyembro:

Jeffrey Luzon bilang Coco Nut
Jessa Mae Mandawe bilang Vanille Lah
Rona Mae Gawat bilang Sugar Cane
Marvin Horfelia bilang Rocky Road
Mark Leo Butil bilang Dark Choco
John Philip Olaivar bilang Mack Doh
Reu John Damalerio bilang Jolly Bay
Emard Ocio bilang Pea Nut

(SCENE 1)
SA ESKWELAHAN
Narrator: May isang binatana nagngangalang Coco, nasa ikawalong baitang na siya ng makilala niya ang prinsesa ng kanyang buhay na si Vanille. Nagkakilala sila dahil kay Jolly na kapitbahay ni Vanille na kaibigan ni Coco.

Jolly: Coco may ibibigay akong number sa'yo, etext mo ha!
Coco: Sige, dahil wala rin akong ibang gagawin. Maganda ba 'yan?
Jolly: Basta maganda 'yan!
Narrator: Dali-daling umuwi si Coco pagkatapos ng klase. Bumili siya ng load at agad na etinext ang number na ibinigay ni Jolly sa kanya.

(CONVO)

Coco: Hi
Vanille: Hello
Coco: Ako pala si Coco Nut kaibigan ni Jolly Bay.
Vanille: Ahh... ako pala si Vanille Lah

Narrator: Umabot ng madaling araw ang kanilang pag uusap. Kinabukasan, maagang pumasok si Coco sa paaralan. Hinintay niya si Jolly Bay na dumating.

Coco: Jolly! nag usap kami kagabi ni Vanille, pwede mo ba akong ipakilala sa kany ng personal?
Jolly: Yun lang ba! Walang problema.

Narrator: Sakto namang dumaan si Vanille kung kaya tinawag siya ni Jolly

Jolly: Vanille! Vanille! Halika nga dito.
Vanille: Oyy Jolly! bakit?
Jolly: Si Coco nga pala yung katext at katawag mo kagabi.

Narrator: Nang masilayan ni Coco si Vanille feeling niya na parang huminto ang ikot ng kanyang mundo. Ang nakikita niya lang ay si Vanille, ang mga mata nito na tila mga bituin. Ang labi niti na sing pula ng mga rosas at parang napakalambot tulad ng isang unan. Natulala si Coco dahil sa kagandahan ni Vanille.

Vanille: Hi, ako si Vanille.
Jolly: Coco! Coco!
Coco: Hi, ako pala si Coco.. ang ganda mo pala Vanille.
Vanille: Wag ka ngang ganyan nakakahiya.
Jolly: Oyyyy! May Spark! Bagay talaga!

(SCENE 2)
Narrator: Isang linggong pinag-isipan ni Coco kung manliligaw ba siya kay Vanille. Napagpasyahan niyang ligawan si Vanille dahil hindi na niya mapigilan ang kanyang nadarama. IAraw-araw ay hinihinatay ni Coco si Vanille sa harap ng kanyang silid-aralan. Binibigyan ni Coco ng mga rosas, tsokolate, at mga sulat si Vanille araw-araw.

Coco: Magandang Umaga Vanille, para sayo Vanille rosas na kasing ganda mo.
Vanille: Magandang umaga din Coco.Salamat, hindi ka na sana nag-abala.

Narrator: Hinihintay din niyang lumabas si Vanille upang ihatid sa kanilang bahay.

Coco: Vanille, pwede ba kitang ihatid sa inyo.
Vanille: Ok lang.. ikaw bahala.
Narrator: Nag uusap sila araw-araw sa paaralan man o sa bahay. Bumibisita si Coco sa bahay nina Vanille upang humingi ng permiso sa ama ng dalaga na maging boyfriend siya ng anak nito.

Coco: Magandang gabi po sir, nandito po ako upang ligawan kayo na pumayag na maging girlfriend ko na po si Vanille.
Dark: Hindi ako pumapayag na maging girlfriend mo ang anak ko dahil mag-aaral muna siya bago ang pag-ibig na ’yan.

Narrator: Sawi na sawi si Coco noong gabing iyon, ngunit hindi siya sumuko at bumalik-balik siya hanggang sa mapapayag niya ang ama ni Vanille.
Nagtagumpay naman si Coco sa panliligaw sa ama ni Vanille at ngayong sila ay magkasintahan na.

(SCENE 3)
Narrator: Sa tatlong taong pagsasama ni Vanille at Coco sila ay masaya. Kahit sila ay hindi nagkakaintindihan minsan sa huli ay nagkakabati parin sila. Mahal na mahal nila ang isa’t- isa.

Vanille: Coco, may gusto sana akong sabihin sayo
Coco: Ano ’yun Vanille?
Vanille: Gusto ni Tatay Dark na doon na daw ako mag aaral da lugar ng tiyuhin ko. Hindi na daw mababago ang isip ni tatay dahil ito daw ang makakabuti para sa akin.
Coco: (walang maisagot)
Vanille: Coco, wag kang mag-alala dahil kahit magkalayo tayo hindi tayo magkakahiwalay, imbis tayo ay titibay.
Coco: May magagawa pa ba ako? Basta Vanille mahal kita, kahit na magkalayo tayo, palagi kang nandito sa puso ko.
Vanille: Mahal na mahal din kita Coco. Pangako babalikan kita.

Narrator: Madaling lumipas ang mga araw. Umalis na nga si Vanille. Walang magawa si Coco kundi umiiyak, sumigaw at alalahin ang mga nasasayang na ala-ala nila ni Vanille.

(Coco Acting)

(SCENE 4)

Narrator: Kahit na sila magkalayo sila ay nanatiling matibay at nagmamahalan sa facebook.

Coco: Vanille miss na miss na kita...
Varille: Miss na miss na din kita coco...

Narrator: Makalipas ang isang buwan unti unti ng nagbago si Vanille. Minsan nalang ito tumawag at mag text. Pag tumawag si Coco hindi ito sinasagot ni Vanille.

Coco: Vanille bakit hindi mo na ako sinasagot?
Varille: Busy ako coco.. maramo kaming ginagawa para sa school
Coco: Ganun ba..Sige magpahinga kana baka mapuyat ka may pasok kapa bukas.

Narrator: Dahil sa sobrang pagmamahal ni Coco kay Vanille inintindi niya ito. Isang araw habang nagfafacebook si Coco nakita nyang may kasamang ibang lalaki ang nobya niya. Nakangiti ito habang naka tingin sa kamera.

Coco: Hindi..wala ito..magkaibigan lang sila. Mahal ako ni Vanille..

Narrator: Binalewala ni Coco ang nakita niya sa facebook. Gusto niyang tawagan si Vanille ngunit natatakot siya sa sasabihin nito dahil sa isip niya may posibilidad na maghiwalay na sila kapag tatawag siya. Isang linggo na silang hindi nag-uusap at mas lalaong nagduda si coco, dumagdag pa sa duda niya ang sinabi ni Pea Nut na pinsan niya.

Pea Nut: Coco, nakita mo ba yung bagong profile ni Vanille? Ibang lalaki yun ah.. at di hamak na mas gwapo sayo. Nako pinsan baka niloloko kana ni Varille nasa malayo yun.

Coco: Hindi ganyan si Vanille.. Mahal ako nun.
Pea Nut: Ikaw bahala Coco..Basta sinabihan na kita.

Narrator: Matapos nga ang ilang linggo si Vanille na ang tumawag kay Coco.

Vanille: Hello Coco.. kamusta kana?
Coco: Ok lang ako Vanille, ikaw?
Vanjlle: Ito. ok lang din.. may gusto lang sana akung sabihin sayo Coco.
Coco: Ano?
Vanille: Maghiwalay na tayo Coco..May iba nakung mahal.
Coco: Hah? Nagbibiro Kaba? Tatawa naba ako?
Vanille: Seryoso ako Coco..May boyfriend na kasi ako si Rocky.
Coco: Akala ko ba mahal moko? Akala ko ba babalik ka?
Varille: Mahal kita Coco..Kaso Wala eh.. na inlove ako kay Rocky.
Coco: Mahal na mahal kita Vanille..kaya kung anung makakapagpasaya sayo ibibigay ko.

Narrator: Naghiwalay na nga si Vanille at Coco. Nawalan ng sigla ang buhay ni coco at naging matamlay siya.

Mack: Oh! Coco bakit hindi kana sumasali sa praktis natin? Paparating na ang Valentines Day ah..
Coco: Pasensya na Mack, tumigil nako sa pagsasayaw.
Mack: Bakit? Sayang naman yang talent mo pre!
Coco: Wala pre. Nagpapahinga lang..Pagod na ko.
Mack: Sige pre kung yan ang gusto mo pero kung gusto mong bumalik sabihin mo lang.
Coco: Sige pre, salamat nalang.

(SCENE 5)

Narrator: Isang taong naging bad boy si Coco, girlfriend doon, girlfriend dito, Cutting doon, Cutting dito.. Puro laro at alak na ang kanyang iniisip. Isang araw naisipan ni coco na magpatiwakal dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Tatalon na sana siya ng iniligtas siya ng isang dalaga.

Coco: Mahal na mahal Kita Varille! (Tatalon na san)
Sugar: Wag! (hinatak si coco) okay kalang ba? Ano bang iniisip mo?
Coco: Sino ka ba! Bakit kaba nangingialam? Girlfriend ba kita?
Sugar: Bakit hayop ka ba! Tao ako at may malasakit sa kapwa ko, kaya kitang tulungan. Ikaw pa may ganang magalit! Bahala ka
dyan!

Narrator: Simula ng pangyayaring iyon na inlove si Sugar Cane kay Coco. Parating nakamasid si Sugar kay Coco pero dahil sa sobrang pagkalungkot ni Coco hindi niya napapansin si Sugar.

Sugar: Kailan mo pa kaya ako mapapansin Coco.

Narrator: Naisipan ni Sugar na siya na ang umaksiyon para sa kanilang dalawa ni Coco.

Sugar: Coco! Hi!
Coco: Sino ka?
Sugar: Hindi mo ba ako naaalala? Ako yung babaeng....
Coco: Nasa tulay!
Sugar: Oo, Sugar Cane nga pala, nice to meet you.
Coco: Coco Nut nga pala, bakit anong kailangan mo?
Sugar: Gusto ko maging boyfriend kita!
Coco: Baliw ka ba ha?
Sugar: Oo, baliw na baliw ako sayo.

Narrator: Nqnligaw nga si Sugar kay Coco hindi nakalaunan nahulog din ang loob ni Coco kay Sugar at niligawan niya ito.

Coco: Sugar, pwede ba kitang maging girlfriend?
Sugar: Oo naman Coco.

Narrator: Nagkatuluyan nga di Coco at Sugar at tuluyan ng nakalimutan ni Coco ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Vanille.


(WAKAS)






Friday, 2 March 2018

Rona Mae Gawat

KAKAYAHAN
ni Rona Mae Orcullo Gawat

Ang kakayahan ay bigay ng Maykapal,
Regalong akma para sa tamang asal.
'Di mananakaw nang salbahing kriminal,
Sapagkat sa sarili ito'y natural.

Kakayahang taglay ay walang hanganan,
Tulad ng tinitingalang kalawakan.
Hanggat ang trabaho ay kayang gampanan,
Makakamit ang mithii't kaunlaran.

Imbis na Ito ay itago't kimkimin,
Kakayaha'y lakas na dapat linangin.
Kaya gawain ay lalong pagbutihin,
Para pangarap ay kaya mong abutin.


Ikalawang Tula:Rona Mae Ikalawang Tula


DSC_0452

Jessa Mae Mandawe

BOLERO
ni:Jessa Mae Mandawe

Isang araw muntik ng magpakatanga
Sa isang lalaking mahilig mambola
Kanyang mga salita'y pafall at paasa
'Yun bang tipong mahuhulog ka talaga

Kakaiba ang turing sa'yo at sa'kin
May halong kilig salitang babanggitin
Pero iyon nga lahat ay di totoo
'Pagkat siya ay sinungaling at bolero
 
Kaya ngayon damdamin ay natauhan
Ganyang klaseng tao kailangang iwasan
Mga gawi nila'y dapat ng wakasan
Dahil marami ng pusong nasasaktan

Ikalawang Tula:Jessa Mae Ikalawang Tula


 DSC_0456

Mark Leo Butil


PAG -AARAL
ni: Mark Leo Butil

Minsan ay napatanong sa`king sarili
Pag aaral nga ba ay nakabubuti?
Sa`king sarili at kapwa estudyante
SA mga magulang at taong mabubuti

Paghihirap ang dulot ng pag aaral
Lalo na sa mga magulang,mundo ay pasan
Sa`king isipan ay nakakapagpalito
Bakit pag aaral ay pinapauso?

Ngunit ngayon nalaman,napagtantuhan
Pag aaral pala ay kinakailangan
Upang kinabukasay matagumpayan
Sa`king buhay ito`y nakapagpagaan

Ikalawang Tula:Mark Leo Ikalawang Tula


DSC_0442

Reu John Damalerio


Crush Ko Parin
 ni: Reu John Damalerio

Ika`y mamahalin
Kahit Na sino pa ang iyong pipiliin
Dahil ang gusto gusto kulang ako`y iyong mamahalin
Gusto kulang ay bigyan mo nang pansin

Oh, hanggang pangarap nalang ako
Oh, dahil walang pag asang maging tayo
Oh, masakit mang isipin
Oh, ika'y crush ko parin

Mahirap maging tanga
Lagi kanalang pinapaasa
Okey lang dapat masanay kana
Dahil ang crush mo ay napakaganda


Ikalawang Tula:Reu John Ikalawang Tula


DSC_0443

Emard Ocio

Mahal na Kita
ni Emard Ocio


Mga katagang nais kong iyong marinig
Mga salitang talagang nakakaantig
Na balang araw ito'y aking masabi
Sapagkat ika'y labis kung minimithi

Talagang ako'y nagseselos sa kanya
Dahil ikaw ay napapasakanya
At bakit nga ba ko nagpapakatanga?
Simple lang, ito'y dahil mahal na kita

Pasensya pag minsa'y nakakairita
Di ko kasi mapigil na mahalin ka
Kaya gusto ko na sana'y malaman mo
Na ako'y higit na nagmamahal sayo

Ikalawang Tula:Ocio Ikalawang Tula


DSC_0432

Marvin Horfelia

Mahal Kong Ama
By:Marvin Horfelia

Noong una pa lang kaming 'yong nakita
Labis-labis ang saya sa iyong mukha
Gagawin lahat-lahat, upang ang buhay
 Ay maging masarap't matiwasay.

Nang kami'y nagka-isip at malaki na
Kailangan trabaho ay igihan pa
Upang makamtan ang pangangailangan
at makapag-aral sa paaralan

Salamat sa Panginoong Diyos Amahan
Sa aming Amang labis ang kabutihan
Hayaan mong ikaw ay aming suklian
Pagmamahal naming ika'y walang hanggan.

Ikalawang Tula:Marvin Ikalawang Tula


DSC_0437

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan Miyembro : Jeffrey Luzon bilang Coco Nut Jessa Mae Mandawe bilang Vanille Lah Rona Mae Gawat...