Cyan Ang Cyborg Ni Celeste

Cyan Ang Cyborg Ni Celeste
ni Rona Mae Orcullo Gawat

Tao Laban sa Teknolohiya


Sa taong 3030 marami nang nagbago sa planetang Earth. Ang mga sasakyan na imbis sa lupa pinapatakbo ay sa himpapawid na lumilipad. Ang mga gamit ay bago o "high tech". Ang mag nagtatrabaho ay hindi na tao kundi mga robot na, wala nang silbi ang pera dahil naubos na ang mga natural na bagay. Wala ka nang makikitang puno, bulaklak, ulap, at lupa, puro na mga artipisyal ang mga naiwan sa mundo.

Ang lugar ng Cyron ang pinakamalagong bayan ng bagong mundo. Pinipili ang mga taong pwedeng tumira dito. Ang mga matatalino, magaganda at may talento lamang ang pwedeng manirahan sa Cyron. Isa rito ay si Celeste ang prinsesa ng Cyron. Siya ang gumawa kay Cyan ang pinakamagaling at pinakamatalinong sundalo ng Cyron. Lahat ay kinakatakutan si Cyan dahil sa sabi-sabing isa siyang "half cyborg". Wala siyang awa at ang utos lamang ng prinsesa ng Cyron na si Celeste ang kanyang sinusunod.

Mabait at maawain si Prinsesa Celeste, lahat ng tao ay humahanga sa kanya. Si Prinsesa Celeste ang nagsisilbing ilaw at pag-asa ng mga tao dahil hindi lang siya maganda at matalino siya rin ay kakampi ng mga taga Cactus na kilala bilang ang bayan ng mga alipin. Mahal na mahal ni Prinsesa Celeste ang buong mundo at pantay ang tingin niya sa lahat ng tao. Parating kasama ni Prinsesa Celeste si Cyan sa pangangalaga sa lugar at sa tao ng Cyron.

Isang araw nagpatawag ng pulong ang hari ng mga hari na si Cerebus, pumunta si Prinsesa Celeste at naiwan si Cyan dahil pulong para sa kapayapaan ang sadya niya. Isang linggo na ang nakalipas hindi parin nagbabalik ang prinsesa kung kaya napuno ng pangamba at takot si Cyan kaya napagpasyahan niyang puntahan ang prinsesa.

Sa pagdating ni Cyan sa Centro ang kapital ng mundo nadatnan niyang bibitayin na si Prinsesa Celeste. Gusto man niyang tumakbo at iligtas ang prinsesa napako siya sa kanyang kinatatayuan dahil hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Nakatayo lamang si Cyan ng narinig niyang sumigaw ang prinsesa ng "Mahal ko ang tao,mahal ko ang mundo ngunit ako’y inyong pinagtaksilan ngayo’y masasaksihan ang lagim ng inyong kasakiman! Cyan ubusin ang mga taong narito tapusin ang paghihirap ng mundo".

Nagbago ang itsura ni Cyan,naging pula ang kanyang mga mata, lahat ng nakikita niya ay naging pula at isinisigaw ng isip niya na "Patayin sila! Tapusin sila!" Nawala sa sarili si Cyan,lahat ng nakikita niya ay tinatapos niya ang buhay. Lumaban ang mga tao,ginamit na nila ang mga kapangyarihan nilang mga makina. Ngunit wala itong nagawa at natalo lang ito ni Cyan. Naubos ang taong nasa Centro ng panahong iyon. Nasira ang mga gusali, nawasak ang lugar at nawala ito sa mapa ng parang bula. Hindi nahanap ang mga labi ng prinsesa at ang katawang makina lamang ni Cyan ang naiwang buo matapos ang labanan.

Ang inaakalang pagkalinaw ng mundo ay siyang naging daan sa paparating na mas malaking gulo. Ginamit si Cyan bilang prototype at gumawa ng mas madaming cyborg ang mundo upang paghandaan ang girang pangkalawakan.


Wakas

Back to Home Page:Proyekto sa Filipino Home Page


DSC_0452


No comments:

Post a Comment

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan Miyembro : Jeffrey Luzon bilang Coco Nut Jessa Mae Mandawe bilang Vanille Lah Rona Mae Gawat...