Jeffrey 2nd Tula

"ANG GURYON"
ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong mounting guryon
na yari SA patpat at papel de hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
Na may pangalan mong SA gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong Ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.

Saka pag sumimoy ANG hangin, ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
dapatwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin NG hanging malakas.

Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
madangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik SA Diyos,
bago pa tuluyang SA lupa'y sumubsob!

Line Break and Enjambment: Luzon Line Break and Enjambment


DSC_0420


No comments:

Post a Comment

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan

Pag-ibig Kong Tunay, Walang Hanggan Miyembro : Jeffrey Luzon bilang Coco Nut Jessa Mae Mandawe bilang Vanille Lah Rona Mae Gawat...