Isang Dipang
Langit
by:Amando
U. Hernandez
Ako'y ipiniit ng linsil Na puno
hangad palibhasang
diwa ko'y piitin,
Katawang
marupok, aniya'y pagsuko,
damdami'y supil na't mithiin ay supil
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato,
bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring
kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay
sandipang langit na puno luha,
maramot na
birang ng pusong may sugat,
watawat ng
aking pagkapariwara.
Sintalim ng
kidlat ang Mata ng tanod,
sa pintong
may susi't walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki'y
atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo'y
tila isang tanikala
Na
kala-kaladkad ng paang madugo
ang
buong magdamag ay kulambong luksa
ng
kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa'y
magdaan ang payak na yabag,
kawil ng
kadena ang kumakalanding;
sa
maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong
aninong iniluwa ng dilim.
Kung
minsan, ang gabi'y biglang magulantang
sa hudyat-
may takas!- at asod ng punlo;
kung minsa'y tumàngis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At Ito ang
tanging daigdig ko ngayon-
bilangguang mandi'y libingan ng buhay!
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng
buong buhay ko'y dito mapipigtal.
Nguni't tarung
diwa'y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita'y
bahagi ng pakikilamas,
maliit
ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao't Bathala ay di natutulog
at di
habang araw ang Api ay api,
tanang
paniniil ay may magpatutuos,
habang may
Bastilya'y may bayang gaganti
At bukas, dyan din, along matatanaw
sa sandipang
langit na wala nang luha,
sisikat ang
gintong araw ng tagumpay. . .
layang sasalubong
ako sa paglaya!.

No comments:
Post a Comment